Sana Hindi Totoo

SANA HINDI TOTOO

Gov Grace Padaca

December 7, 2009

We received notice that the decison  on the  election case  filed against me by Benjamin Dy will be promulgated tomorrow, December  8, 2 pm.

Okay  lang sana  iyon kasi talaga namang  hinihintay rin namin ang desisyon para alam na kung ano talaga ang mga nangyari noong eleksyon – pero sa mga nakakarating na kaalaman  sa amin ,  they also say that panalo daw si Benjamin Dy sa kaso niya laban sa akin na nagpaparatang na dinaya ko siya sa eleksyon

One tv reporter  called me up as early as last Thursday ,wanting to get my reaction  sa pagkatalo ko daw sa election case.

Tinext din ako ni Gov Panlilio na may information na  pagkatapos daw ng adverse decision laban kay Gov Jong Mendoza ng Bulacan, kami na raw ni Among Gov ang susunod na idedeklarang talo at patatalsikin sa aming puesto.

Ang hirap namang intindihin ng ganoon  –  kasi iba-iba naman ang  detalye  ng aming mga kaso.  Naikwento na sa inyo ni among gov ang kaniyang kaso. Ganito naman ang sa akin…

BACKGROUNDER

Last 2007 elections

I  won over  former Governor BENJAMIN DY  by 17,2007 votes

Benjamin Dy is the third member of the Dy family that I defeated in the elections

Una – si dating Governor  Faustino Dy Jr

At pati rin si dating mayor na naging Congresman  Faustino “Bojie” Dy III,  siya nga po yung nandaya sa akin noong 2001 elections at ang kaso ko laban sa kaniya  ay alam  ng mga Supreme Court justices at Congressman  na bumuo  noon ng House of Representatives  Electoral Tribunal (HRET)

Dito sa kaso ni Benjamin Dy laban sa akin, kung matatandaan niyo, ang tagal-tagal na naman nilang pinigilan bago ako ma-proclaim.  Mas matagal pa kaysa noong hinaharang nila ang proclamation ko noong 2004  ( may sinunog pang dalawang munisipyo noon para lang mawala iyong mga balota).  Ngayong 2007, na –proclaim lang ako noong June 28, dalawang araw na lang bago ang schedule for inauguration.

Ang laging sinasabi ni Benjamin Dy ay dinaya ko  daw siya kaya siya natalo.

How dare they  accuse me of being a cheater when all these years cheating, terrorism, influence peddling   have been the way by which they have kept their dynasty in power.

BENJAMIN DY’S CLAIMS

We both have submitted our  respective memorandum to the comelec.  Ang paratang niya  marami daw akong mga boto sa mga presinto  na “written by one” o  iisa lang ang sumulat at hindi raw ako nagsumite ng katibayan para mapabulaanan ito. He submitted a 29-page memorandum, citing  “de kahon” grounds of massive electoral frauds but without going into detail on how he supposedly overcame my lead of  17,007 votes.

GRACE PADACA’S CLAIMS

We submitted our   memorandum,  kasama  ang lahat ng aming katibayan  na kung bibilangin nga ang lahat  ang aming tunay na boto,  dodoble pa nga  ang lamang ko sa kaniya, aabot ng  34,000 votes!  Kaya lang,  in the course of the case, lagi namang  nire-reject ng comelec second division  ang  mga motion for reconsideration namin laban sa mga desisyon nila.

WET OR MISSING BALLOTS

Sa mga bayan ng Isabela  kung saan nanalo si   Benjamin Dy won,  hindi nabilang ang mga balota sa 31 na precincts dahil puro walang laman at iyong iba naman ay nabasa. Nakapagtataka dahil paano mangyayari ang iisa o pare-parehong bagay ng pagkakabasa o pagkakawala ng mga balota sa mga lugar na magkakalayo sa isat isa. Ang mga ito ay mga balota mula sa limang bayan sa malawak na probinsya ng Isabela. Kung nabilang sana lahat iyon, lalabas pa bang ganoon ang lamang niya sa akin sa mga lugar kung saan DAW siya nanalo? Bakit noong bibilangin na uli  ay  nabasa, bakit nawala ang laman ng mga balota sa lugar kung saan siya ang lumabas na panalo sa akin. Hindi na tuloy matiyak kung ano  ang tunay na nangyari doon. Hindi pinagbigyan ng Comelec ang aming motion na ipatawag ang mga guro sa nasabing mga presinto para magbigay ng pahayag kung bakit nabasa o nawawala ang mga balota.

GRACE PADACA’S  THOUSAND–PAGE MEMORANDUM

We submitted to the Comelec not only our 46-page memorandum but also 4 thick folders of evidences and appendices which are products of the work of our  select group of revisors that undertook an exhaustive post-revision scrutiny through the photocopied ballots.

Dito sa mga ebidensya naming ito, pinagtiyagaan naming ipa-xerox ang lahat ng mga balota  na nadiskubre naming noong recount na  magdadagdag pa nga sa aking 17,000 margin na  hindi binilang ng mga teachers o board of election inspectors noon  dahil sa iba’t ibang dahilan katulad ng hindi nailagay ng mga botante  ang pangalan  ko   para sa Governor pero mayroon namang tinatawag na Neighborhood Rule o Intent Rule  para maigalang ang talagang intensyon ng botante. Napakaraming boto rin para sa akin ang hindi binilang  dahil sa misspelling  – gres,  gris padaca, grac padaca, grace padaka or padacca pero mayroon namang tinatawag na  Idem Sonans.

Sa pag-review namin sa bawat balota lalo lamang nabibigyang diin ang kahalagahan ng pagtuturo sa ating mamamayan ng tamang paraan sa pagboboto, lalo na at magiging automated na ang elections.

Dati kasi, ang  sequence sa balota ay …

Congressman

Governor

Vice Governor

–          Ang nilagay ng marami naming kabarangay – padaca agad doon pa lang sa linya para sa   congressman. Ang daming ganoon.

Marami pa kaming documented at  matibay na  claims  ng karagdagang boto para sa akin hindi lang para i-affirm ang panalo ko kung hindi para lalo pang madagdagan ito base nga sa mga tinatawag na neighborhood rule, intent rule, idem sonans.

At inisa-isa ring  pina-xerox naming ang mga balota  kung saan ang mga boto kay Benjamin Dy ay nakasulat sa iba’t ibang  balota pero  iisa lang ang pagkakasulat (written by one) o kaya ay nakasulat sa iisang balota pero dalawang tao ang sumulat (written by two). Marami din kaming mga nakitang marked ballots kung saan kung ano-anong nilagay na pangalan o marka (marked ballots).

Detailed are our claims of 12,803 rejectible votes for Dy and 3,469 creditable votes for padaca. (Please see  attached page 45 of my 46-page memorandum)

SANA HINDI TOTOO

Sana,  hindi totoo na nagdesisyon ang comelec 2nd division na binubuo nina Commissioners  Nicodemus Ferrer, Lucenito Tagle at Elias Yusoph nang hindi man lang pinag-aralan ang aming mga ebidensya. Sana hindi totoo iyong matagal na naming naririnig na gagawin na naman ng mga Dy  ang dating style nila.  Sanay na kami sa isabela na makaranas ng mga ganiyan.

Ngayon, kung totoong ang desisyon na  ihahayag  bukas o sa mga susunod na araw ay lalabas pang ako ang mandaraya  — sukdulan na ang kasinungalingan at pang-aabusong ganyan. Ang pakiramdam ko tuloy, para kaming bina-backhoe at ibinabaon na lang ng ganoon ang lahat ng  ebidensya ng pili at  desisyon ng aming mga kababayan noong eleksyon.

Ang kapal naman ng mukha nila na magparatang na ako ang nandaya sa kanila, ako ang nang-aapi sa kanila. Ako ang may ugaling manloloko at hindi sila.

Sana,inuulit ko, sana ay hindi totoo ang mga lumalabas na kaalaman  na kahit walang kalatoy-latoy ang kaso laban sa akin ng mga Dy at kahit ganoon  lang ang kaya nilang isubmit na ebidensya  laban sa aming  mga detalyadong patunay ay siya pa ang lalabas na panalo.

THIS IS NOT ABOUT ISABELA AND PAMPANGA ALONE

At kaya ako ay nagsasalita ngayon, pati na rin si Among Gov Eddie Panlilio,  ay para sabihin sa aming mga kapwa Pilipino na huwag ho kayong maniniwala na mga salbahe  at mandaraya po kami, ha.   Sana po ay magpakatatag tayo.  Hindi dahil may mga pangyayaring ganito ay maniniwala kayo na kami ang mandaraya, kami ang mga gago.

Ang pinangangambahan ko ay tuluyan nang mawala ang pag-asa ng sambayanang Pilipino  at sasabihin niyong pare-pareho lang naman pala kayo. Wala kayong lahat pinagkaiba. Hindi po totoo iyon.

Sabihin ko po sa inyo, noong una naming binuo nina Among Gov Panlilio, nina Mayor Jesse Robredo ang grupong Kaya Natin: A Movement for Good Governance and Ethical Responsibility,  nadiskubre naming pare-pareho pala kaming sinasampahan ng kung ano-anong kaso  sa Coa, sa Ombudsman, sa Comelec – iyon pang mga salbahe ang may ganang magdemanda sa amin samantalang sila itong maraming ginagawang kabalastugan. Sabi naming tatlo noon, dapat alam ng ating mga kababayan na mayroong mga ganitong harassment na ginagawa sa atin para hindi mabigla ang ating mga kababayan at maniwala sa mga paratang na tayo rin ay masama,  lalo na kung ang mga taong magde-desisyon sa aming mga kaso ay hindi ebidensya ang isinasa-alang-alang kung hindi ibang-ibang konsiderasyon.

ISABELA COMELEC SUPERVISOR MURDERED, ISABELA PNP DIRECTOR (FEARED TO BE) BIASED AND PARTISAN

Lahat ng mga pangyayaring ito sa Isabela ay nasa gitna ng katotohanang pinatay noong November 14, 2009 sa kaniyang sariling tinitirhan ang Provincial Comelec Supervisor ng Isabela na si Atty. Michael Valdez.

Sa Isabela ay noon pa ini-rereport sa akin bilang Gobernador ang mga intelligence reports tungkol sa isang armadong grupo na nagiging aktibo sa tuwing darating ang halalan sa Isabela.  Ilang politiko na sa mga bayan at barangay ang namatay sa nakalipas na mga taon. Hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli kung sino ang mga armadong grupo na sumugod sa mga munisipyo ng San Mariano at Jones noong 2004 elections at sinunog nila ang mga balota sa layuning mai-deklara ang failure of elections sa Isabela at hindi ako mai-proklama bilang Gobernador.

Ang ikinasasama ng loob ko kina DILG Secretary Renato Puno at PNP Chief Jesus Verzosa,  sa hinaba-haba ng sulat ko na nagdedetalye sa mga nangyayari sa Isabela kung saan limang buwan nang hindi direktang nagre-report sa akin ang  PNP Provincial Director na si Col. Jimmy Rivera, hindi pa rin nila ako pinapakinggan at nire-respeto ang pangagailangan ko ng isang Provincial PNP Director na makakasundo ko at ng mga opisyal ng Isabela sa pangangalaga sa peace and order sa Isabela.

NPA’S RAID POLICE STATION IN ISABELA

Noon lang isang linggo, sinugod ng may 40 NPA ang police headquarters ng Divilacan, Isabela at pinagkukuha ang mga baril ng mga pulis.  Walang ginawa sina Gen Verzosa tungkol sa posisyon ni Col. Rivera. Noong 2007, noong unang sinalakay ng mga NPA ang police headquarters ng Dinapigue, Isabela, agad nilang tinanggal bilang Provincial Director, si Col.Percival Barba, na nakakasundo ko bilang Gobernador. Magmula noon ay kung sino-sino na ang inilagay nilang OIC para lamang maikutan ang batas na nagsasabing dapat ay pili ng Gobernador ang itatalagang PNP Director sa kaniyang lalawigan. (Please read last page of my letter to Gen. Verzosa)

Sa harap ng mainit at  marahas na eleksyon, paano naming mapapanatili ang kaayusan sa Isabela kung ang Provincial Director ay ni hindi nakikipag-usap sa Gobernador. Apparently, Sec. Puno and Gen. Verzosa don’t find this wrong. Just like all this time that the Ampatuans were lording it over Maguindanao and our national leaders didn’t find it wrong?

PREMATURE, PRESUMPTUOUS STATEMENTS

Noon pa laging sinasabi ng kampo ni Benjamin Dy na mananalo na sila, na malapit na silang uupo uli sa capitol – ganoon sila ka-kumpyansa  – saan nanggagaling ang kumpyansa  nilang iyon?  Para  nilang  mina-mind set o kino-kondisyon  ang isip ng mga Isabelino.  Iyong mga kababayan ko naman, takot na takot, tanong ng tanong sa akin, dahil nga sanay na kaming gagawan talaga nila ng paraan ang mga bagay.

We even manifested before the Comelec Dy’s “inaccurate reporting of the proceedings of the case in a presumptuous and premature manner.” In its  May 5, 2009  order, instead of castigating  Benjamin  Dy,  Comelec  only advised parties  to refrain from issuing public statements which may undermine the proceedings .

So kung totoong adverse ang decision ng comelec laban sa akin sa kabila  ng lahat ng aming ebidensya na dapat ngang  madagdagan pa ang boto ko, totoo nga na may basehan ang confidence nila, hindi dahil sa ebidensya kung hindi dahil sa ibang bagay.

Sana hindi totoo.

…shows that prostee Padaca’s victory was the result of clean, honest, and orderly elections. Her victory was truly well deserved.

VII.

SUMMARY OF DATA

PADACA DY
VOTES PER PHYSICAL COUNT IN THE 2,115 REVISED CONTESTED PRECINTS (975counter-protested precints and 1,140 protested precincts) 139, 761 141,644
ADD: ADMISSIBLE CLAIMED BALLOTS (Confirmable on Appreciation) 3,469 ——-
LESS: INVALID VOTES

( Confirmable on Appreciation )

——- 12,803
EQUALS: VALID VOTES IN THE 2,115REVISED CONTESTED PRECINTS 143,230 128,841
PLUS: VOTES IN THE 98 WITHDRAWN PRECINTS (see Appendix “36”) 5,413 8,338
PLUS: VOTES IN THE UNREVISEDCOUNTER-PROTESTD PRECINTS OF ANGADANAN AND GAMU. (SEE Appendix “37”) 7,297 9,426
PLUS: VOTES IN THE 17UNCONTESTED MUNICIPALITIES*

(Exclusive of the parties’ votes in Santiago City)

85,007 60,367
EQUALS: TOTAL VALID VOTES,PROVINCIAL WIDE 240,947 206,972

_____________________________

*Figures extracted from Exhibits “43-A” to “43-D”

13 Responses so far

  1. 1

    […] This post was mentioned on Twitter by NoyPI Ako!, Pulitika. Pulitika said: Sana Hindi Totoo http://bit.ly/8I7FEd […]

  2. 2

    sad news! god bless Philippines

  3. 5

    Grace, patatagin mo ang loob mo… hwag kang mawawalan ng pag-asa dahil nandiyan ang mga tao na susuporta sa iyo. Alam nila kung sino ang tunay na mandaraya at kung pinanigan man siya ng comelec ito ay dahil NABAYARAN siguro ng malaki. Nakakadismaya isipin na ang comelec ay nababayaran dahil hindi lang sa Isabela nangyayari ito. Salamat sa pagpapakita ng tapang… salamat sa iyong pakikipaglaban sa katiwalian… at salamat sa isinusulong mong pagbabago. Mabuhay ka!

  4. 6

    Marlon said,

    Obviously, ginagawa ito ng administrasyon kasi sa darating na eleksiyon pag si DY na ang nakaupo, mas madali silang makapang dadaya sa lalawigan ng Isabela… P.tang inang mga administrasyong ito! God Bless the Filipinos

  5. 7

    nemhie08 said,

    sa iyo mam grace be strong we are all knows at sa lahat ng tao kahit sino san man dito sa sulok ng pinas lahat kami ay naniniwala sa iyo we never believe that shit mr dy ,kapal ng mukha nila no one will believe them at yang comelec na yan dyan bayad na kaluluwa nya sa impyerno ,and im so admire you mam ,tapat ka sa bayan at sa sambayanan you live in simple life na tangi mong yaman ay ang kayamanan mo siguro kung kay gloria ka kumampi at hindi sa LP ni noynoy hindi ka nila pagbibibtangan ,subalit dahil tunay ka at tapat sa sambayanan ,makatao at maka diyos ,,sisirain ka ng mga ganid sa lipunan garapal na masyado kaya mam continue to fight ,and trust in GOD you will will again this fight sa ginawa ng alagad ni gloria all people gives thier sympathy to you andito kaming lahat para sa iyo mam

  6. 8

    baltazar said,

    diyos ko ano na bang nangyayari!!!!!!!!
    huwag na po tayong magpadala ng remittances sa pilipinas nakakatulong lang ito sa mga gagong nakaupo …. kung hindi rin lang importante wag na lang papadala … i know its economic sabotage pero thats the only way we can destroy this evil government … do not invest either ….. pork fucking barrel full of shit…. just get your family out of the fucking philippines

  7. 9

    baltazar said,

    alam ko na ang mananalo this 2010 election!!!!!!!!
    dahil automated na at di na natin alam kung ano ang mangyayari i think gibo teodoro????? sayang si noynoy at pagbabago … 17,000 thousand votes nga nakaya nilang baligtarin yun pang machine counted votes pa tapos di mo makikita yung results dahil automated nga …. ang comelec nga, ngayon pa lang wala nang katiwatiwala … baboy sila hindi si padaca ang nanloko siya ang dinaya sa election … tiga nungnungan 1 ang nagnankaw ng mga balota sa san mariano isabela at luna isabela pero dahil malakas ang people power ng isabela walang nagawa ang kanyang katunggali SAYANG saka makikita mo naman HALOS LAHAT NG PAGKAKAUTANG NG ISABELA AY MALAPIT NANG MABAYARAN …………. HISTORY REPEATS ITSELF NOYNOY AQUINO ILULOKLOK NG TAO KAHIT WALANG ELEKSIYON

    • 10

      stalwart said,

      tang inang mga demonyo to… pahirap sa sambayanan! mga pansariling interes lang ang alam! mam grace, we believe in you! people will definitely fight and be at your side no matter what happen. thanks for being a fighter for what is right, thanks for being a model public servant! mga katulad dapat ang mamuno upang makabangon ang pilipinas at ang moralidad ng mga pilipino!

      sana hindi nga totoo!…sana tamaan na ng kidlat ang mga bayarang demonyo!
      mabuhay ka mam grace!

  8. 11

    jasper said,

    grabe naman ata ang dapat nating pagkondena sa pagsupil ng malayang pagboto ng ating mga kababayan. ako’y isang kabataan pa lamang ngunit ipinakita ngayon ng kasalukuyang pamahalaan na sadyang sila’y desperado na sa kapangyarihan…

    gov. grace,

    mabuhay ka!!!

    ang mga kabataan ay nasa panig mo!!

    god bless the Philippines

  9. 12

    grace padaca said,

    maraming salamat po sa inyong lahat.

  10. 13

    mary said,

    Gusto ko lang pong magpasalamat sa pagbabagong ginawa ninyo sa ating probinsya, at buong tapang na hinarap ang mga DY’nasty… Nakawala at nakahulagpos na ang ISABELA sa mala demonyong mga DY at heto na naman sila at pilit na bumabalik


Comment RSS

Comments are closed.

%d bloggers like this: