Noynoy Aquino sa pagsusupil kay Grace Padaca

Si Governor Grace Padaca ay isang huwaran ng tuwid at maaasahang serbisyo-publiko. Ang desisyong ito ng Second Division ng COMELEC ay isang halimbawa ng sistematikong pagsupil ng Malakanyang sa mga tumutuligsa sa kanilang baluktot at mapagmalabis na pamamahala.

Kamakailan lang, ginawa na rin nila ito sa Bulacan kay Governor Jon-Jon Mendoza, at patuloy nilang pipiliting mapatahimik ang mga nagnanais ng pagbabago. Sinabi ng kanyang mga kalaban na dinaya daw po sila pero hindi naman nila maipaliwanang kung paano sila dinaya. Bukod pa rito, hindi pinahalagahan ng Second Division ng COMELEC ang mga boto ng 31 presinto sa Isabela dahil sa pagkawala o pagkabasa ng kanilang mga balota. Ibinasura rin nila ang mga ebidensyang magdodoble ng lamang ni Governor Grace sa kanyang katunggali.

Sa kabila nito, hindi tayo magpapatinag. Nakita na natin sa Maguindanao ang bunga ng isang gobyernong lulong sa korapsyon at lasing sa kapangyarihan. Galit na galit na ang sambayanang Pilipino. Hindi tayo titigil hanggang mawakasan natin ang katiwalian at kawalan ng pag-asa sa pamamagitan ng pagsulong sa isang pamahalaang malinis at mapagkakatiwalaan.

###

20 Responses so far

  1. 1

    […] This post was mentioned on Twitter by NoyPI Ako!, Pulitika. Pulitika said: Noynoy Aquino sa pagsusupil kay Grace Padaca http://bit.ly/7s8AWd […]

  2. 2

    msr said,

    Sen. Noynoy, maging huwarang lider ka sana…
    napaka “popular” mo pa naman para mag tapon ng gasulina sa mga taong nakatulala sayo..
    Sana hwag naman po sana ganyan nalang ang pinapakain mo sa mga supporters mo, gustong-gusto nyo silang magalit… kahit wala kayong nilalahad kung ano at alin ang totoo.

    Kung may mali man sa ginagawa ngayon, idaan nyo sa mabuting proseso, para magkaroon tayo ng respeto…kung naniniwa po kayong “may katiwalian” gawin nyo lahat ng makakaya nyo maparusahan ang dapat maparusahan dahil kayo po ay nasa posisyon.

    • 3

      Teody Pangan said,

      @msr…

      sana maintindihan mo… bilang isang lider.. kailangan ipagtanggol ang ang isang nasa tamang lugar maging kaibigan man o kaaway.. dapat kampihan pag nasa katotohanan… ano gusto mo mangyari? magsawalang kibo sa ginagawang kabuktutan ng gobyernong ito? hello garci, zte deal, fertilizer scam, oil freeze, ampatuan, martial law, ngayon Gov.v Grace Padaca.. mandaraya?? kilala mo si Gov Padaca?? bago mo batikusin si Noynoy.. mag-aral ka muna… sayang.. Diyos nagbigay sa atin ng tamang pagisip para gamitin… bakit tayo ganito? sino gusto mo pagtanggol???

      • 4

        george busaw said,

        @msr…

        I do not know Gov Padaca, but if I have to make a choice between GMA and her, I choose her than GMA.

        Its been six years that I am out in the Philippines working as OFW here in the GCC and it hurts to see people are going out because the government cannot provide work for its people. GMA was here in UAE many times together with her entourage, kung alam mo lang kung paano sila umasta? parang silang mga royal family! Tsik!!!!

        kung ganyan palagi ang nasa isip mo, pray ko lang may makain pa ang mga next generation mong kalahi. Because I know, basta ako nagtratrabo pa rin dito, may bukas pa akong matatanaw..kayo wala!!

    • 5

      Msr, for the record, Sen Aquino is a staunch advocate of adhering to constitutional processes and following the rule of law. Read carefully his statements and proclamations on this blog. Listen to him speak in the House, on tv, in visits to the provinces. Maririnig mo. RULE OF LAW MUST PREVAIL. THE PEOPLE MUST PREVAIL. LAWS EXIST TO PROTECT THE PEOPLE, NOT THE GOVERNMENT.

      Tanging halos siya nalang ang talagang sumusunod sa patakaran ng konstitusyon. Halos perfect ang attendance niya sa mga hearing. Bakit? Because EVERYTHING HAS A PROCESS. THERE ARE LAWS. ALL WE NEED IS TO RESPECT AND FOLLOW THEM, and not bend them to our will, unlike what some politicians do.

  3. 6

    len said,

    @msr

    hindi mo siguro nalalaman ang nangyayari sa ngayon sa ating bansa ng dahil sa magulong administrasyon natin…kilala ko si Gov. Grace Padaca isa siyang huwarang gobernador maski ako ipaglalaban ko siya. Baka nagbubulagbulagan ka lang sa ginagawa ng administrasyon natin ngayon or isa ka sa nabayaran at sumamba sa pera kaya puro positibo ang maaaring makita mo sa GMA administrasyon.

    hindi ngunit nasa posisyon si Sen. Noynoy ganun niya kadali masusupil ang katiwalian eh kampi kampihan din naman sa senado lahat nababayaran ilang beses na may nag attempt sa senado at kongreso na pababain sa posisyon si GMA may nangyari ba? wala kasi sila ang nasa posisyon at mahirap silang pababain dahil madami pa rin talaga ang tumatanggap ng PERA kaya bihira ang bumabaliktad. Ngaun sabihin mo sino talaga ang naka posisyon na mahirap tinagin? unless magkakaisa tayong mga Pilipino sama sama nating ulitin ang People Power para sa pagbabago ng bansa. Alam niyo ba kaya tatakbo bilang Congresswoman si GMA kasi hindi pwede na mawala siya sa posisyon dahil may mga kaso pa hinaharap ang butihin niyang asawa at anak. Mawawalan siya ng access. Kaya ako sa inyo wag na niyo siyang iboto bilang Congresswoman. Maging matalino sana kayo ngayon madami na ang naghihirap na bansa sana piliin natin ang karapat dapat para maibangon na muli ang bansa natin sa kahirapan.

    Sana po Sen. Noy pag kayo ang nanalo bilang Pangulo mapadami niyo ang mga investors sa Pinas, mapataas niyo ang bilang ng mga employed, mapataas niyo halaga ng piso, matulungan niyo ang mga mga mahihirap na makapag aral ng libre.

    Alam ko mahirap gawin yan lahat…mag ingat po kayo sa pagkuha ng adviser saka kung sakali po kailangan niyo ng suporta para sa pagbabago,madami po kami sigurado na handang sumuporta sa inyo. Basta po malinis ang hangarin niyo sa bansa suportado din kayo ni Lord.

    Kaming mga taga Nueva Ecija suportado ka namin Pres. Noynoy!

  4. 8

    Marlon said,

    Napaka imposible po na mandaya si Grace Padaca, walang dudang siya ang nanalo sa Eleksiyon sa Isabela. Taga Isabela ako at alam ko na majority ng mga aga Isabela ay sawang sawa na sa mga DY na mandadaya at mangaagaw ng lupa. nagtataka ngapo kaming mga Iasbelino kung bakit ganun kalapit ang tally vote ni DY at ni Gov. Padaca. Sadyang wala napo tlgang hustisya sa bansa natin. Parang wala nang silbi ang election kasi sa pera pera na ang usapan

  5. 9

    nemhie08 said,

    sa ating lahat tayo ay nabigla kahit si noynoy sa ginawa nila kay grace di pa ba clear na isang kagaguhan ang ginagawa ng gobyerno ni gloria mga alagad nya ano gusto nyo gawin noynoy tadtarin din nya ng bala gaya ni ampatuan,mahinahon lang mas lalo tayo kawawa kung pati si noynoye masaker nila kung paiiralin nya ang nais nya sa akala nyo ba hindi galit si noynoy sa nangyayari peacemaker lang sya kaya wag naman sya pilitin magalit hindi pa nga nila na solve ang masaker kaya kung nais nyo dyan matalo ang kalaban mag unite kayo at sa buong pinas kakampi ni padaca all the sympathy is with her sino maniniwala na mag cheat katulad nya kaya ang nakakahiya yong nasa comelec na nag recount nabayaran ano pa ba mga demonyo lahat galamay ni gloria

  6. 10

    minnie laquindanum said,

    ako po ay taga pampanga.. sa nangyari kina Jonjon mendoza at grace padaca,ako po ngayon ay natatakot sa pweding mangyari dito sa amin (pampanga),dahil gagawin din po nila ang lahat2 para mapatalsik din ang aming governor…inaakusahan din po si Gov.panlilio na nandaya,bumili ng boto at nanakot…imposible po ang paratang nila dahil wala pong goons,guns and gold si Among ED.
    Alam naman po ng SC at COMELEC kung sino talaga ang nandadaya..di lang sila makapagsalita dahil nabusalan ng pera ang mga bibig nila..kung ang Comelec at SC ay nabibili ng pera at naibabaluktot ang matuwid,at pilit na itinutuwid ang mali,ano na po ang mangyayari sa Pilipinas?.Mapagkakatiwalaan pa po ba sila?
    @msr,
    kahit ayaw mong magalit ay magagalit ka sa ginagawa ng ating presidenti.di kaba natatakot para sa mga anak mo kung katulad ni GMA ang magpapatakbo ng bansa mo?
    Kung sa iyo gawin ni GMA ang ginawa kay jon mendoza at grace padaca,na ginagawa na rin kay Gov.Panlilio na isang pari..magsasawalang kibo ka na lang ba?
    kailangan na po tayong lumaban sa mga ganid sa kapangyarihan at mga buwayang politiko..na pera lang ng gobyerno ang gusto nila..
    tulungan po ninyo ang mga matutuwid at mabubuting mga public servant na pinatatalsik ng walang laban..salamat po..

  7. 11

    john carlo pineda said,

    @minnie: totoo lahat ng nasabi mo. ako rin ay taga pampanga. alam natin na ang mga PINEDA ang jueteng lord ng pampanga. kung saan, lahat ng mga nasasakupan nya ay nabubusalan ng jueteng money. kitang kita, at damang dama ng bawat isa sa atin kung sino at kanino dapat ipukol ang mga akusasyon nila kay AMONG ED. at kagaya ng mga nangyari kay Gov. Mendosa ng Bulacan at Gov. Padaca ng Isabela, di malabong mangyari rin iyon sa ating Gov. Panlillo.
    Paano ba natin matatama ang mali? paano ba natin mababago ang mga kasinungalingan binibintang sa mga bumabatikos kay GMA, at sa kanyang mga tuta? Ako rin ay di sigurado sa magiging resulta ng eleksyon sa 2010. Pero umaasa ako, na sa ating pagsasama-sama, makakamit na natin ang ating inaasam. Ang magkaroon ng bagong kinabukasan ang ating mga anak. At alam ko, kakampi natin si “Bro.”.

    • 12

      John Carlo,

      Sa akin lang, ang magagawa natin bilang mamamyan, SHOW OF NUMBERS. Kung napakalaki ang agwat ng kandidato natin sa kandidato ng administrasyon, kahit anong dagdagk-bawas hindi makakatulong sa kanila apag ilang milyones ang pinapagusapan. Ito ang bagon people power! Nasa kapangyarihan natin ito. Demokrasya tayo: let it be loud and clear na THE PEOPLE HAVE CHOSEN!!

  8. 13

    […] Source: noypipol.wordpress.com […]

  9. 14

    Jackc said,

    Kung hindi tayo papalag, tuluyan tayong aalipustahin at dadayain ng administrasyon ni Gloria. Tama sina Minnie at John Carlo (Kahit Pineda si JC…jokes lang), hindi malayo na alisin din si Among Ed sa pagka-gobernador, at ideklara na si Mrs Pineda ang nanalo sa Pampanga. Ngunit upang medyo mag balanse naman, ang COMELEC ay may milagro na ide deklara nila na si Among Ed ay tunay na nanalo. Style ni Gloria, bigyan mo ng kaunti ang mamamayan, para hindi gaano halata.
    Gov. Padaca need not resort to Election Fraud to win, mas may galamay ang mga DY sa election fraud, at ang mga Dy ay SANAY na sa pandaraya. Kaya, kung tutusin, ang mga Dy ang mga nandaya, gaya ng nangyari sa decision ng COMELEC, pandaraya ito, na may basbas ni Gloria, Ermita at Gonzales…yes yung dalawang Gonzales na alipores ni Gloria.

    Sen. Noy at Mar, sana ay hindi kayo tumigil sa pag sita ng mga kabalastugan ni Gloria at ng kanyang mga galamay. Suportado po kayo ng karamihan ng mamamayang Filipino.

    I am Praying the we, Filipinos, have seen the Light and make a firm stand to achieve a genuine change. Sen Noy at Sen Mar, boto namin ay sa inyo. Kayo po ang may dala ng sulo (liwanag) upang ang sambayanang Filipino ay akayin sa tamang landas.
    Cheers!

    • 15

      Wag kang magalala Jackc. Takot na takot si Gloria kina Noy at Mar. Sila lang ang kanyang tunay na kinatatakutan kasi alam niyang hindi niya sila mabibili.

      Sinasabi nilang hindi na si Gloria ang kalaban sa darating na halalan. Ngunit ang ibang kandidato pwede pang makipag”deal” kay GMA. Si Gibo nga e, sinabi sa buong bansa na “I will not bite the hand that feeds me.” May mga bulong pa na si Villar kuno ang “secret candidate” ni GMA. Kung totoo man ito, hindi nakakagulat.

      Nakakatulog ako sa gabi dahil alam ko Noynoy will do what is in his power to bring GMA’s sins to Justice, to make her accountable to the people of the Philippines. Tulungan po natin siya.

      Tuloy and Laban!

  10. 16

    moto said,

    Noong isang araw ko pa nabalitaan ang posibilidad na tamaan si Grace Padaca ng mapagsamantalang gawain ng tinatawag kong “mafia” na noon hanggang ngayon ay nagtatago sa legalidad, teknekalidad at pagpapaikot ng batas sapamamagitan ng mga taong madaling nalunod sa dagat ng kabalintuanan hanggang talikdan ang prensipyo para sa karangyaan at kapangyarihan at sila na nga ang mga kasapi sa “mafia”. “Mafia” na nagtatago sa anyo ng gobyerno. Ako ay isang manager sa isang multinational company, maaring kayanin kong mabuhay at bumuhay ng aking pamilya sa kabila ng lahat ng pagkabaligtad ng tadhana sa ating bansa, kung saan ang mali ay binibiyayaan at ang tama ay pinagdurusa. Sa ano mang kadahilanan, ayaw ko talagang manirahan sa iibang bayan dahil na rin siguro sa pagmamahal sa pamilya at ayaw ko mang isipin, sa bayan na rin siguro. Ngunit ngayon ay pilit na pinapalitan ng kung ano mang masamang hangin ang ganito kong pag-iisip at pilit na inaangkin ang aking pagkaunawa, wala ng pag-asa ang bansang ito. Ito ang aking pinalalabanan. Napakahirap kumbinsihin ang sarili na may pag-asa pa gayong palalim nang palalim ang pananagumpay ng mga bwitre ng lipunan. Isa na nga itong nangyari kay Grace. Pero pag nakikita kong patuloy na lumalaban ang katulad niya, ako’y nabubuhayan. Siya nga ng personal na lumalaban sa kabaluktutan at personal ding nakakatanggap ng parusa nang kawalan ng patas na pagturing ay patuloy na nagiging positibo at nakakakita ng pag-asa, ako pa kaya na hindi man lagi ay kadalasang nakikinig at nanood lamang sa mga nangyayari. Kay Noynoy, isa ka rin sa nagbibigay pag-asa kaya huwag mo sanang bibiguin ang mga katulad ko. Huwag ka sanang makakalimot kung ano ang tama at mali. Ni paghubog at pag-imbento ng bagong kahulugan ng “tama” ay huwag mo sanang tangkain tulad ng ginawa na ng kasalukuyang pamunuan.

  11. 17

    Hindi maiiwasan na mag-isip kung tama ba na manatili pa sa ating bansa. Ngayon na malapit na ang eleksyon maraming nakasasama ng loob ang ating nababalitaan. Nakakalungkot dahil palala na ng palala ang sitwasyon ng Pilipinas. Ang mga mali ay pinipilit na ginagawang tama; ang tama ay pilit na binubura para lang manatili sa kapangyarihan. Ang masang Pilipino ang dapat silbihan ng nasa panunungkulan ngayon pero hindi ko ito maramdaman. Ang mga hirap sa buhay ay lalong naghihirap- noon at hanggang ngayon. Walang pagbabago bagkus ito ay lumalala pa. Ang mga taong tapat sa kanilang posisyon at hindi nagpapadala sa korapsyon ay pilit na ibinababa sa pamamagitan ng samo’t saring kasinungalingan. Iniisip ko ang kinabukasan ng aking anak at kung sakali man, ang sarili nyang pamilya sa hinaharap. Magkaroon na sana ng tunay na pagbabago at matuto na ang mga tao na tumayo sa kung ano ang tama at hwag ibenta ang kanilang prinsipyo.

  12. 18

    sychitpin said,

    ” ALL THAT IS NEEDED FOR EVIL TO SUCCEED IS, THAT DECENT HUMAN BEINGS DO NOTHING.” BY: EDMUND BURKE

  13. 19

    grace padaca said,

    thank you very much everyone. fighting for what is right is worth it. it is all worth it.

    • 20

      Alicia Isabela said,

      Gov. Grace, never stop! never stop the fight! at the end, the good will triumph against evil..


Comment RSS

Comments are closed.

%d bloggers like this: