Noynoy Aquino’s speech before filing for candidacy, Nov 28 2009

Transcript of the Speech of Senator Benigno “Noynoy” Aquino III Before Filing his Certificate of Candidacy

Cabildo Street, Intramuros, Manila
November 28, 2009

Napansin ko po, hindi nababati ng maayos ang ating mga kasanggang matibay tulad ni Mayor Lim, na nandito po sa entablado.

Nandiyan po si Mayor Aro Mendoza ng Tarlac City!

Nandiyan po si Vice Governor Mark Leviste ng Batangas, matanda lang po ng konti sa akin yan.

Alam ho ninyo ang problema ko, ay mahaba-haba sana yung sasabihin ko sa inyo. Tapos sabi sa akin, paki bilisan ninyo one minute lang kayo at baka magsara yung Comelec.

Ito po ang listahan ng babatiin ko halos naging baliktaran sa papel, tsaka ko na po kayo babatiin kapag mas mahaba ang oras.

Simple lang po ang mensahe natin itong araw na ito:

Diyan po sa Manila Cathedral, tatlong  buwan pa lang po halos ang lumipas noong atin pong ina ay nandiyan at dadalhin na po sa huling hantungan. Marami pong problema na bumabalot sa aking kaisipan. Unang una na ho doon, wala na po ang ating pinuno, paano kaya natin maibabalik sa liwanag ang ating bansa? Kulang siguro sa tulog kaya’t hindi ko nakita kaagad yung mga sagot.

Nakita po natin yung apat na sundalo nandoon sa taas ng truck. Sila ho ay hindi magkakasama sa isang unit at tsaka yung isa po ay miyembro ng kapulisan. Sila ho ay hindi nagtraining para sa trabahong iyon na sinabihan silang siyam na oras kayong hindi puwede kumilos. Pero yung Pilipino ho, tulad noong apat na iyon, bigyan lamang ng pagkakataon, maliwanag kung ano ang tama, gagawin ang tama – yun po ang solusyon natin.

Itong araw pong ito ihahain natin yung ating certificate of candidacy. Ito po siguro ang unang hakbang sa huling yugto ng ipinaglalaban natin. At ano nga ba ang pinaglalaban natin? Kapag tayo po, sa tulong ninyo, ay pinalad, yung pataba po, ang tataba halaman hindi na po yung mga tiwaling kawani ng gobyerno.

Magkakaroon din po ng sistema ng gobyerno na hindi nagpapahintulot o nakapapayag ng nangyaring karumaldumal na nangyari sa Maguindanao, hindi na po pupuwede iyan. Magkakaroon na tayo ng katiyakan na kaparusahan kapag may nilabag ka sa batas natin, iyan po ay itaga na natin sa bato.

Ipinaglalaban din po natin na lahat ng Pilipinong gustong matuto, may pagkakataon para matuto. Ang Pilipinong gustong magkaroon ng trabahong may dangal, magkakaroon ng trabahong may dangal.

Ang Pilipino pong may karamdaman, aarugain ng estado, obligasyon po iyan ng estado. Lahat po iyan, kaya nating makamtan, dahil ako po ay naniniwala sa bansa po natin. Sa singkuwentang porsyento na binubungkal na lupa, hindi ho tamang may nagugutom sa Pilipinas. Kailangan lang po gawin natin yung tama, babawasan natin ng babawasan ang nagugutom at talagang papunta na tayo sa kasaganaan, dahil gagawin po natin ang tama.

Malapit na po tayong senyasan. Baka sabihin sa atin ay malapit na ang lunch break sa Comelec.

Ang importante lang po sa akin na maiwan sa inyo sa araw na ito ay isang bagay:

Yung mga kalaban natin ang daming ipinagyayabang. Lahat na po sila ay ipinagsama-sama ko na. Pare-pareho silang gusto pa ring ipagpatuloy ang paglilinlang, yung pandaraya. Ang sagot ko lang sa kanila: Sige na pumutak na kayo ng pumutak. Sige na magtext brigade na kayo, mag-internet pa kayo. Sige na bilhin na ninyo ang lahat ng commercial na puwede ninyong bilhin.

Pero ang taong bayan, sa akin pong pananaw ay gising na, mulat na at sawa na sa inyo!

Papasalamatan ko nalang ho kayong lahat.

Mga kapatid, talagang noong iniisip natin ito, ang dami kong problemang nakikita sabi ko, “Paano nga ba natin malalaktawan iyan?”

At yung sagot po pabalikbalik, simple lang pala, habang nandiyan ang taong bayan maski anong problema kaya nating laktawan. Ang tagumpay po buwan na lang ang pinag-uusapan, ke nandoon ako, ke wala ho ako dito, sigurado po ako itong ating krusada, magpapatuloy at magtatagumpay dahil lahat po kayo ay nandito.

Kaya’t magandang umaga pong muli at maraming salamat sa inyo!

 

Noynoy Aquino signs his certificate of candidacy

7 Responses so far

  1. 1

    Len said,

    I wish and hope that every Filipino have enough to eat 3 times a day. To be hungry most of the time is like mentally tortured. That young people even poor have the access to proper education what they aspire for.

  2. 3

    jasper said,

    mabuhay ka!!! di ka nag-iisa!!!

  3. 4

    tina said,

    naniniwala ako kay NOYNOY dhil nkikita sa kanya ang sinseridad at pagiging matuwid. diretso at walang kaarte arte. ipinag dadasal ko lang na sana ay maging healthy sya sa duration ng kampanya. ito na ang hinihintay nating pag babago, ang tunay na leader na kailangan natin .. SYA NA NGA.. WALANG BAHID! WALANG DUDA! God bless NOYNOY..GOD BLESS THE PHILS!

  4. 5

    Waldy said,

    Una po, sana hindi na lang po binanggit ni Sen. Noynoy yung tungkol sa advertisement. Kasi po pati naman po ang kampanya ninyo, naglalagay din ng maraming advertisement sa TV, hindi po ba? Masama po ba ang maglagay ng advertisements? So kung hindi po, hindi po issue iyon at hindi po sana kasama sa bagong politika!

    Sunod po, may importanteng bagay po sinabi si Sen. Noynoy, sabi niya:

    “Ang Pilipino pong may karamdaman, aarugain ng estado, obligasyon po iyan ng estado.”

    Sa totoo lang po, isa po itong policy na napaka-importante. Kailangan pong ipaliwanag ito ni Sen. Noynoy. Kailangan po sabihin niya kung ano ang kasama sa “pag-aaruga” ng estado. Ang serbisyo po ba ng doktor ay kasama? Ang gamot po ba ay kasama? Lahat po ba, mayaman at mahirap ay kasama? Kapag hindi po ipinaliwanag, ibig sabihin po ito lahat ay kasama. Sana po bigyang linaw ito ni Sen. Noynoy..

    salamat po.

  5. 6

    nanie said,

    Mabuti na lang at komportable si Noynoy sa Pilipino. Ang higit na mahalaga, dapat sa lahat ng pagkakataon, yung madaling maiintindihan ng tao ang kanyang mensahe. Kahit saan siya maimbita, pilitin niyang makipagusap sa mamamayan nang tao-puso, may sinseridad, walang paligoy-ligoy at tiyak, ang hangad nating makuha ang suporta ng marami ay makakamit.

    Mabuhay ang Pilipino! Iluklok natin sina Noy at Mar!

  6. 7

    Silvio G. Salise said,

    we really longing for a “CHANGE” as it is the only word which constant in this world. If we really want to prosper, then, change everything that bothers you, most especially your attitude towards self-determination in life.

    For this political exercise come May 2010, we will change the face of our nation, we will make a history of our own homeland. With Noynoy to lead our country is really a big change even in the entire world because he is the only man who is like JESUS, a great leader, why? it is simply because he is yet SINGLE,and I for one didn’t recall anyone who leads a nation like Him, but am hoping he will only get married after the elections. hehe!!hehe!!hehe!!.


Comment RSS

Comments are closed.

%d bloggers like this: